Mga kaalyado ni PNoy na anti-life, anti-family, binira ng Obispo

UNTI-unti umanong sinisira ng mga kaalyado ng pamahalaang Aquino ang values at mga pamilyang Pinoy dahil sa pagsusulong nito ng mga anti-family at anti-life measure.

Matatandaang kapapasa pa lang ng kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill at ngayon ay plano namang isulong ng mga ito ang Divorce bill.

Ayon kay Antipolo Bishop Gabriel Reyes, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life, nadismaya sila ngunit hindi na nabigla sa planong isulong ang legalisasyon ng diborsiyo sa bansa.

Bago pa man kasi aniya maipasa ang RH bill ay alam na nilang isusulong din ng mga mambabatas ang divorce bill at iba pang “anti-family at anti-life” measures tulad ng same sex marriage at euthanasia.

“The Church has long been fighting these issues. In our experience in other countries, after RH bill, what will follow are divorce, abortion, and same sex marriage,” sinabi ni Reyes.

Sinabi naman ni Fr. Melvin Castro, executive secretary ng CBCP-ECFL, ang pagsusulong ng divorce bill ay simula pa lang at tiyak aniyang may mga serye pa ng “anti-family at anti-life legislations.”

“This government is out to really destroy the traditional Filipino values of family and life,” ani Castro. “This government has revealed its true face. It has never been for the welfare of the family, women, and children.”

Sa kabila naman nito, tiniyak ng mga opisyal ng simbahan na hindi sila susuko at lalo pang magsusumikap na maturuan ang mga mananampalataya na pahalagahan ang buhay, moral at pamilya.

“Since the beginning, we have been educating the people. It’s always the task of the Church. We’ve been saying that RH law will open doors to ‘DEATH’ bills,” ayon kay CBCP secretary general Monsignor Joselito Asis.

Matatandaang ang Pilipinas na lang ang nag-iisang bansa sa mundo, maliban sa Vatican, kung saan illegal ang diborsiyo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply