Mga kumpanya ng tabako mapipilitang magsara

sigarilyo

MAPIPILITANG magsara ang ilang local na kumpanya ng tabako o hindi kaya ay magbabawas ng mga manggagawa sa oras na pagtibayin ng Kongreso ang mas mataas na Excise Tax sa Low-Priced Cigarettes Brands.

Ayon kay Blake Dy, vice president ng Associated Anglo American Tobacco Corporation (AAATC), ang excise tax sa low-priced cigarette brand ay magiging dahilan upang madagdagan ang bilang ng mga mawawalan ng trabaho sa bansa.

Ginawa ni Dy ang pahayag matapos magkasundo ang miyembro ng Bicameral Conference Committee sa Excise Tax na 69 porsyento ang ikakarga sa sigarilyo habang 31 porsyento lang sa produktong alkohol.

Ibig sabihin kailangang magbabayad ang Tobacco Industry ng karagdagang P23.4 bilyon sa unang taon ng pagpapatupad nito habang P10.56 bilyon lang sa alkohol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply