Mga kurakot na taga-BIR

_bobby ricohermoso

MUKHANG mahirap paniwalaan na talagang inaakay ni Internal and Revenue Comm. Kim Henares na dalhin sa tuwid na daan ang pinamu-munuan niyang ahensiya. Kung ano kasi ang sigasig ng kampanya niya na tugisin ang mga tax cheat at tax evader ay siya rin namang sigasig ng ilang tiwaling tauhan niya na mangurakot. Ang tingin tuloy ng mga nagmamasid sa mga kaganapan diyan sa BIR ay parang drama at moro-moro lang ang kampanya ni Kim na patinuin ang tanggapan niya.

May payo ako kay Comm. Henares! Kung gusto talaga niyang tumino at lumaki ang kita ng BIR at makamit ang P1.2 trillion na target collection, dapat na unahin niyang silipin kung magkano ang buwis na binabayaran ng mga bigtime na tauhan niya. Umpisahan niya sa isang trusted niyang tauhan na may ranggong assistant regional director na tawagin nating si alias Atty. Sabas.

Kataka-taka kasi na sa loob ng maikling panahon ng “paglilingkod niya

kay Kim” ay nakabili na kaagad siya ng napakaraming property at luxury vehicles gaya ng BMW, Ford Expedition at marami pang iba. May P5 million worth of property rin si Atty. Sabas na nabili niya kamakailan lang.

Maliban kay Atty. Sabas ay ibinulong din ng source ko ang mga kalokohan ng mga tauhan at opisyales diyan sa BIR Cubao at Olongapo City. Halimbawa, isang opisyal diyan sa BIR Olongapo na itago natin sa alias Medi na buhay-hari rin at tanyag sa pagiging tiwali at kurakot gamit ang kanyang posisyon. Dahil sa pagiging kurakot ay instant yaman na rin ang kolokoy na ito at marami na ring ari-arian at mga sasakyan.

Ganoon din naman itong isang opisyal ng BIR Cubao na tawagin nating si alias Gulang na sinasabing bagman ng amo niya. Matindi rin itong si Gulang dahil sa lakas niyang mangurakot ay marami na itong nakokolektang mga sasakyan gaya ng Subaro at iba pang high end vehicles. May mala-palasyo rin itong bahay at may pag-aari ring condominium units.

Mukhang iisa ang hilig ng mga kurakot na taga BIR na ito, mangolekta ng mga bahay at sasakyan. He-he!!

Sa harap ng mga pangyayaring ito ay inaasahan naman ng mga mamamayan ang pag-aksyon ni Kim laban sa mga kurakot na tauhan ng BIR. Sibakin mo na ang mga iyan, Ma’am Kim! Huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply