Mga magsasakang biktima ni ‘Pablo’ sasaklolohan

AGAD sasaklolohan ng pamahalaan ang mga magsasakang hinambalos ng bagyong Pablo ang kanilang mga pananim.

Tiniyak ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na nagpahayag ang Pangulong Benigno Aquino III na tutulungan niya ang mga ito na makatayong muli mula sa ngitngit na iniwan ng bagyong Pablo.

“Well, first ‘yung sa agriculture po, we’re trying to get a final number on the damage assessment. First kasi, I have to admit that the focus really, as the President mentioned while he was there, was the search and rescue. Nagsabi naman na po ang Pangulo na tutulungan po natin sila talaga na makatayong muli mula doon sa pananalanta ng bagyong ‘Pablo’,” anito.

Saksi naman aniya ang lahat nang magdeklara ng State of National Calamity ang Pangulong Aquino para mas mapabilis pa ang rescue, relief, at rehabilitation efforts ng gobyerno dahil pinaigting aniya ang tinatawag na “working hand-in-hand” ng pamahalaan sa local government officials.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply