Mga manggagawa ng tatlong plantasyon sa Mindanao, nagwelga

SABAY-sabay na ipinutok ng mga manggagawa ng tatlong plantasyon sa Rehiyong Caraga sa Isla ng Mindanao ang kanilang welga noong Martes, ika-dalawampu’t piton g Nobyembre.

Tinututulan ng mga manggagawa ng Filipinas Palmoil Plantation, Inc. o FPPI, Agusan Plantation, Inc.  O API, at Agumill, sa Agusan del Sur ang anilaý matinding paglabag sa mga panuntunan sa paggawa at iligal na pagtatanggal.

Ang welga sa FPPI at API ay pagtutol ng kanilang mga manggagawa sa kautusan ng kanilang management na pumirma sa isang deklarasyon na hindi lumalabag ang mga naturang kumpanya sa batas paggawa.

Kulang-kulang na tatlong daang manggagawa ang maaring mawalan ng trabaho dahil pa sa ibang karagdagang paglabag sa collective bargaining agreement ng tatlong kumpanya.

Nagpahayag naman ng suporta at pakikiisa ang Kilusang Mayo Uno sa mga nagwewelgang mga manggagawang bukid.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply