Mga mangingisdang na-rescue sa GenSan, itinanggi

WALANG katotohanan ang kumalat na ulat na nakarating sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot na sa 296 na mangingisda ang na-rescue na nagmula sa ibat-ibang mga tuna company sa lungsod ng General Santos.

Dahil dito, agad na nagpatawag ng isang pulong si General Santos Mayor Darlene Antonino Custodio.

Ayon kay Custodio, sunod-sunod na tawag ang kanilang natanggap dahil sa kumalat na balita.

Sa ngayon, nasa 368 ang missing, 10 dito ang undocumented, 42 ang nasagip, 26 naman ang undocumented, 8 ang nakilala sa 14 na namatay habang 6 naman sa mga binawian ng buhay ang undocumented.  Patuloy pa rin ang ginagawang search and rescue operation sa 47 na fishing vessels na hanggang ngayon ay wala pang nakababalik sa lungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply