Mga militanteng grupo sumugod sa DOLE

DOLE

NILUSOB ng mga militanteng grupo ang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila kasabay nang paggunita sa “pandaigdigang araw ng karapatang pantao.”

Nanguna sa kilos protesta ang grupong Kilusan para sa pambansang Demokrasya.

Pangunahing kinokondena ng mga militante ang problema sa kawalan ng trabaho sa bansa, contractualization, maliit na suweldo, gutom, illiteracy, malnutrisyon at brain drain sa bansa.

Ang mga militanteng grupo ay nagtipon-tipon sa Recto at Morayta bago tumulak sa tanggapan ng Dole.

Nagdulot naman nang usad-pagong na daloy na trapiko sa Maynila ang kilos protesta.

Patuloy naman ang pagkontrol ng Manila Police District (MPD) sa naturang pagkilos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply