Mga naabot na pangarap sa SORA ni Mujiv

Hadji-Abdulrashid-Ladayo-Sr

SA unang pagkakataon ay humarap at nag-ulat sa kanyang mga kababayan si Autonomous Region in Muslim Mindanao OIC Mujiv Hataman para sa tunay na estado ng rehiyon.

Ika nga ni Mujiv, dugo, buhay ng mga ninuno ang puhunan kung bakit nabuo ang ARMM at unti-unting nabuo ang pangarap ng lahat. Kaya dapat na rin daw na handa ang lahat na magsakripisyo upang tuparin ang kanilang mga sinimulan at mga pangarap.

Narito ang iba pang bahagi ng SORA ni Mujiv.

“Kayo, ako at ang ating mga ninuno ay pare-pareho ang mga pangarap, ito ay ang pagkakaroon ng isang mapayapa at malayang pamayanan at tunay na kapaki-pakinabang na pamahalaan para sa ating mga kababayan:

-Isang pamahalaan na bukas sa ating mamamayan

-isang pamahalaan na may pananagutan sa ating mga kababayan

– at isang pamahalaan na tunay na alipin ng mamamayan at hindi yaong naghari-harian.

Unang naabot ang pangarap ang pagpapalayas sa mga ghost employee sa rehiyon, partikular na sa hanay ng mga guro. Nabigyan na rin ng kasagutan ang kakulangan ng BLACKBOARDS, CHALKS AT ERASERS at iba pang mga gamit pang-eskwela gaya ng WATAWAT. Ang lahat ng mga kakulangang ito ay unti-unting inayos ng DepEd.

Sa kalusugan. Kung dati-rati ay naririnig nating hindi lamang sanggol ang namamatay, kundi pati nanay sa panganganak, at minsan ay sanggol at nanay sabay-sabay. Ngayon ay bumaba ito hudyat na nakamit na ang target sa ilalim ng Millennium Development Goal.

Sa usaping pangkabuhayan. Maliban sa edukasyon at kalusugan, ang kawalan ng trabaho ay isa rin sa resulta ng matinding kahirapan.

Ang Bureau Of Fisheries and Aquatic Resources ay naglunsad ng Fish for Peace programa na may apat na components:

1.    Kapayapaan

2.    Bantay Dagat

3.    Binhi ng Kapayapaan

4.    Kabuhayan Pang-kapayapaan

Sa ilalim ng programang ito, marami ang nabigyan ng sariling pagkakakitaan.

Sa usaping seguridad at pang-kapayapaan. Isang larawan ng magulo at puno ng karahasan ang umuukit sa pangalang Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ayaw po nating manatili at magpatuloy ang ganitong uri ng pananaw ng ating mga kababayan ukol sa ARMM. Pero dahil sa paglinis mismo sa sariling bakuran ng ARMM- noong Hunyo po, ay nagkaroon ng peace covenant o rekonsilyasyon sa pagitan ng aking pamilya at ng mga Akbar na nagtapos ng ilang taong hidwaan na nagdulot ng ‘di magandang resulta sa magkabilang pamilya pati na sa ordinaryong mamamayan ng Basilan.

Kaya sa ulat ni Mujiv, napatunayan natin na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng hangarin at pagtutulungan, kaya nating harapin ang anomang hamon, kaya nating lutasin anomang suliranin. Kaya sa bawat tagumpay na ating nakamit sa loob ng isang taon, pasalamatan po natin at palakpakan ang bawat isa sa atin.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply