Mga nakabimbing panukala ng 2012, maipapasa sa 2013

UMAASA ang liderato ng Kamara na maipapasa ang mga nakabinbing panukala kahit may kawalan ng quorum sa sesyon sa susunod na taon.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., tulad ng mga nakaraang sesyon may mga araw na walang quorum sa plenaryo preo umaasa na sa mga huling linggo ng Enero ng susunod na taon ay naipasa na ang mga
mahahalagang panukala na nabinbin ngayong 2012.

Nanawagan din si Belmonte sa mga kongresista na dumalo ng sesyon sa susunod na taon dahil 9 na araw na lang naman at hahayaan na ang mga ito na maging abala sa midterm elections.

Sa kabilang nito, bagamat walang quorum nitong mga nagdaang sesyon ay masaya si Belmonte dahil naipasa pa rin ang ilang mahalagang batas katulad ng Reproductive Health Bill.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply