Mga opisyal ng COA ginisa sa Kamara

NAGISA nang husto ng mga miyembro ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA) dahil sa mabagal na aksyon sa mga kaso ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Masyado anilang mabagal ang ginawang aksyon ng COA sa mga kaso ng PAGCOR kahit ito ay nangyari noon pang 2003.

Kabilang sa mga isinampang asunto laban sa mga dating opisyal ng PAGCOR sa pangunguna ni dating chairman Efraim Genuino ay ang malversation case sa P26.7 milyon sa pelikulang “Baler”, ang kuwestiyunableng P186 milyon na transaksyon sa Bida Foundation, Inc., ang P258-milyong kita sa kape at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inamin naman ni Resurreccion Quieta, supervising auditor ng COA – PAGCOR na may ilang kaso pa ring naka-pending sa COA na hindi naaaksyunan, partikular ang mamahaling kape na natuklasan pa noong 2008.

Ipinaliwanag naman ni Atty. Jay Daniel Santiago, vice president for Legal ng PAGCOR na sinisiguro lamang nila na ang mga isinampang kaso ng pamunuan ng PAGCOR ay tiyak na mapaparusahan ang mga may sala.

Nagkaroon din aniya ng problema sa timing kaya hindi nila agad naidulog noon sa Ombudsman na maaksyunan ang kaso dahil dinidinig  ang impeachment complaint laban kay dating Ombudsman Merciditas Gutierrez.

Ngunit iginiit dito ni Surigao del Sur Rep. Philip Pichay na may sapat sanang panahon at hindi inabot ng ilang taon ang paghahain ng kaso.

Bukod dito, hindi man lamang naibalik ang mga perang diumano’y naibulsa ng ilang dating opisyal ng PAGCOR at tanging naging aksyon lamang dito ng COA ay ang pag-iisyu ng notice of disallowance.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply