Mga paaralang sinalanta ng bagyong Pablo balik-eskuwela na sa Lunes

BALIK-ESKUWELA na ang mga paaralan na sinalanta ng bagyong Pablo sa Visayas, Mindanao at Bicol, sa Lunes, Diyembre 17.

Ayon kay Education  Asec. Jesus Mateo, magtatayo sila ng mga tent bilang pansamantalang silid-aralan ng mga bata habang isinasaayos ang mga nasirang paaralan at magbibigay ng learning module para makahabol sa aralin.

Sinabi ni Mateo na mas pagtutuunan nila ng pansin ang pasasagawa ng counseling sa mga bata na naninirahan sa lugar na mas malubhang naapektuhan ng bagyo dahil sa posibilidad na trauma.

Ayon pa kay Mateo, nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para matiyak na hindi kumakalam ang sikmura ng mga bata na papasok sa paaralan.

Sa ngayon, may nakalaan ng pondo para sa pagsasaayos at pagtatayo ng mga silid-aralang nasira at target nila itong matapos sa Enero 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply