Mga padalang packages, susuriin ng BoC at Philpost

MAHIGPIT na susuriin ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Postal Corporation (PhilPost) ang mga padalang package o parcel ngayong kapaskuhan.

Layunin ng dalawang ahensya na hindi makalusot ang mga kontrabando na pinapadala mula sa ibang bansa.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng pagkakasamsam ng dalawang parcel na idineklarang mga chocolate bond  mula sa Estados Unidos na ipinadala ng isang taga-Bulacan.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, ang parcel ay naglalaman  ng high-powered firearms partikular ng M-14 rifle na nagkakahalaga ang bawat isa ng P30,000.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply