Mga pantalan inalerto na para sa Kapaskuhan

NAKATAAS  na ang alerto sa mga pantalan upang masiguro ang kaligtasan ng mga magbabiyahe ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Dahil dito ipinag-utos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Rear Admiral Rodolfo Isorena na isailalim sa heightened alert ang lahat ng Coast Guard unit sa bansa.

HIgit na binibigyan ng atensyon ay ang pantalan sa Cebu, Batangas, Iloilo at Bicol dahil sa inaasahang pagdagsa ng pasahero na gagamit sa mga roll off-roll on nautical highway routes.

Gayundin ang top tourist destination tulad ng Boracay, Coron at Puerto Galera.

Naglagay na rin  ng mga passenger terminal booths sa lahat ng major port upang tumulong sa mga pasaherong nagkakaroon ng problema sa kanilang pagbiyahe.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply