Mga salubong sa darating na taon

trending-ngayon

NAKAPAGTALA ang Bureau of Internal Revenue o BIR ng record na P1-trilyon noong nakaraang Lunes.

Inihayag ng BIR na nakakolekta ito ng P969.34-bilyon simula Enero-Nobyembre ng kasalukuyang taon. Pumalo sa P1-trilyon ang kita ng ahensiya nang makolekta ito ng P30.7-bilyon sa loob lamang ng mahigit 15 araw (Disyembere 1-17).

Ayon sa BIR, madaragdag pa sa kabuuang kita nito ang mga natitirang araw ng kasalukuyang buwan kung kaya tataas pa sa P1-trilyon ang koleksiyon nito para sa 2012.

Maraming nangyaring positibo ngayong taon. Puhunan natin ang mga ito para sa bagong taon.

***

AYON sa World Bank, malaki ang naitutulong ng malakas na ekonomiya ng Pilipinas sa East Asia and the Pacific sa kabila ng nangyayaring pinansiyal na krisis sa ibang dako ng mundo.

Nilalaman ng ulat ng World Bank na ang patuloy na paghataw ng Pilipinas, Indonesia, at Malaysia ay makapag-aambag ng 5.7 percent sa ekonomiya ng Developing East Asia sa 2013.

Inaasahan na nasa 6.2 percent ang magiging paglago ng ekonomiya ng bansa next year.

Tinukoy ng banko na ang mga nangyayaring positibong numero sa Pilipinas ay resulta ng mga reporma at pagbabagong ipinatutupad ng gobyerno, kaalaman sa macroeconomics fundamentals, matatag na sitwasyong politikal, at popular na administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Hawak ng gobyerno at mamamayang Filipino ang momentum, pagpapabaya na lamang ang ating magiging kalaban.

***

Sa ibang larangan naman, hindi magandang record ang naitatala ng Boston Celtics sa kampanya ng koponan sa NBA.

Tinalo kahapon ang Celtics ng Chicago Bulls sa score na 100-89 at lalo pang nalalaglag sa standings ang una.

Kinukulang sa depensa sa loob ang players ng Celtics at hindi na nila makalabaw ang bola sa ring dahil halos wala na silang post presence.

Para ring gobyerno, kailangang magpatupad ng front office ng Celtics ng ilang reporma at pagbabago.

Hindi malayong magkaroon ng trade ang Celtics sa 2013, ayon sa ilang analysts na nakatutok sa NBA.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply