Mga shellfish sa Anda at Bolinao, Pangasinan, apektado ng red tide

MAHIGPIT na ipinagbabawal ang pagkain o manghuli ng ‘shellfish’ mula sa mga bayan ng Anda at Bolinao, Pangasinan dahil natuklasang nag-positibo sa ‘red tide toxin’.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)- Region-1, lahat ng uri ng ‘shellfish’ at alamang na hinango mula sa dalawang bayan ay hindi ligtas na kainin ng mga tao.

Ito ang mahigpit na paalala ng BFAR, batay na rin sa resulta ng ginawang pagsubaybay sa ‘red tide’ na ang mga shellfish samples na nakolekta at nasuri mula sa tubig ng Bolinao at Anda ay mayroong ‘red tide toxin’.

Pero, ang ibang lamang-dagat gaya ng isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas kainin ngunit kinakailangang ito ay sariwa, nahugasang mabuti, ang mga laman-loob tulad ng hasang at bituka ay natanggal, at maayos na naluto bago kainin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply