Mga taga-Central Mindanao nalungkot sa pagkatalo ni Pacman

LABIS na kalungkutan ang nadama ng mga taga-Central Mindanao kabilang ang Cotabato City sa pagkakatalo ni People’s Champ Manny Pacquiao kay Juan Manuel “El Dinamita” Marquez sa kanilang laban kahapon.

Marami ang hindi makapaniwala sa sinapit ni Pacquiao nang ito ay mapabagsak ni Marquez sa nalalabing segundo ng ikaanim na round. Na kay Manny ang momentum nang siya ay makabawi at mapabagsak si Marquez sa ikalimang round.

Kahit limang araw nang brownout sa Lanao del Sur dulot ng bagyong Pablo ay sinikap ng mga residente na mapakinggan ang laban ng kanilang idolo sa pamamagitan ng transistor radio.

Nadagdagan ang hinagpis at kalungkutan ng mga biktima ng bagyo sa sinapit ni Pacquiao at may mga nagalit at itinapon ang DVD collection ni Pacquiao habang meron ding nagbunyi sa pagkakapanalo ni Marquez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply