Mga undecided na kongresista, target ng CBCP

cbcp

PUPUNTIRYAHIN ng Simbahang Katoliko ang mga undecided pa na mga kongresista sa usapin ng kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Ayon kay retired Archsbishop Oscar Cruz, ito ay upang hikayatin ang mga undecided congressmen na pumanig sa kanila at umani ng mas malaking bilang laban sa pagpasa ng RH bill.

Una rito, kinumpirma ng mga mambabatas na nagsimula na ang pagla-lobby ng pro at anti RH bill groups.

Hindi umano natitinag ang Simbahang Katolika sa pagkakapasa ng Reproductive Health (RH) Bill sa ikatlong pagbasa.

Giit ni Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan Archdiocese,
ang tama ay mananatiling tama kaya’t ano pa man ang mangyari, hindi
nangangahulugan na ang malaking bilang ng pumabor sa pagsasabatas nito ay magwawagi.

Nakuha ng mga pabor sa RH Bill ang malaking bilang ng boto ngunit hindi ito nangangahulugan na tama na sila.

Giit ni Villegas, sa huli ay makikita ang epekto nito sa paglala ng imoralidad sa lipunan na sana’y huwag na aniyang mangyari.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply