Michael Ray Aquino hahabulin pa rin ng DOJ

DOJ

HAHABULIN pa rin ng Department of Justice ang dating police superintendent na si Michael Ray Aquino, pangunahing akusado sa pagdukot at pagpaslang sa dating PR man na si Bubby Dacer at sa driver na si Emmanuel Corbito.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, idudulog nila sa mas mataas na korte ang desisyon ng mababang hukuman na nagpapalaya kay Aquino mula sa National Bureau of Investigation (NBI) detention cell.

Nabatid na inatasan na ni De Lima ang panel of prosecutors na nagsusulong sa kasong Dacer-Corbito double murder case na mag-convene upang pag-aralan ang paghahain ng petisyon sa Court of Appeals upang mapawalang-bisa ang naging desisyon ni Manila RTC Judge Carolino Sison.

Napag-alaman na pinalaya si Aquino sa kautusan ni Judge Sison dahil sa kahinaan ng ebidensya laban sa dating police officer.

Kaugnay naman nito, aminado si De Lima na nabigla siya sa naging desisyon ng husgado na nagbabasura sa double murder case laban sa dating police colonel.

Sinabi ng kalihim na ilang araw na naipalabas ang kautusan ng Manila RTC ay hindi pa rin niya nakikita ang nilalaman ng desisyon.

Gayunman, inatasan na ni De Lima ang panel of prosecutors na may hawak sa kaso na mag-convene at pag-aralan ang petisyong ihahain kontra sa nasabing court decision.

Samantala, sa kanyang panig sinabi ni Senior State Prosecutor Philip Kimpo na posibleng pinagbatayan ng husgado sa pagpapawalang-sala kay Aquino ang naging desisyon ng appellate court na hindi kapani-paniwalang testigo si dating Supt. Cesar Mancao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply