Mindanao niyanig ng lindol

ISANG magnitude 5.8 na lakas na lindol ang tumama sa karagatang sakop ng Mindanao kaninang ng alas 5:45 ng madaling araw.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLVCS) Director Renato Solidum  naitala ang sentro ng lindol sa layong 65 kilometro timog-silangan ng Malita, Davao del Sur.

May lalim, aniyang, 32 kilometro ang lindol, na tectonic ang pinagmulan .

Naramdaman ang intensity IV sa Mati, Davao Oriental habang Intensity III ang naramdaman sa General Santos City; Digos City at Manay sa Davao Oriental.

Intensity II naman ang naramdaman sa Koronadal, South Cotabato.

Samantala, pinawi naman ni Solidum ang pangamba ng publiko hinggil sa lindol na makapag–generate ng isang tsunami .

Ani Solidum hindi sapat ang lakas ng lindol para mag-generate ng isang tsunami.

Wala namang iniulat na napinsala o sugatan sa nabanggit na pagyanig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply