Misa, martsa at vigil, ikakasa ng CBCP vs RH bill

NAKALATAG na ang mga inihandang aktibidad ng maimpluwensyang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bukas kasabay ng nakatakdang pagsalang sa second reading sa Kongreso ng kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Family and Life Chairman Antipolo Bishop Gabriel Reyes, isang misa ang isasagawa sa St. Peter Cathedral sa Commonwealth Avenue ganap na alas-12:00 ng tanghali.

Matapos ang misa ay magmamartsa naman sila patungo ng Batasang Pambansa para magsagawa ng vigil.

Sinabi pa ni Bishop Reyes na ipoprosisyon nila sa martsa ang imahe ng Our Lady of Meddiatrix of All Grace gayundin ang imahe ng Our Lady of Guadalupe.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply