Misis kinatay ng mister sa gitna ng inuman

crime9

DAHIL sa labis na kalasingan, sinaksak ng isang mister ang kanyang kainuman na misis sa La Union nitong Lunes ng gabi (Disyembre 3).

Dead-on-arrival sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa San Fernando City sa lalawigan ng La Union sanhi ng tatlong saksak sa katawan ang biktimang si Nora Costales, 63-anyos.

Sumuko naman agad at ngayon ay pinagsisihan ang ginawang krimen ang suspek na si Juan Costales, 69-anyos, residente ng Barangay Poro sa San Fernando City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 10:30 nitong Lunes ng gabi sa loob mismo ng bahay ng mag-asawa.

Bago ito, nag-inuman ang mag-asawa dahil sa kanilang nalalapit na anibersaryo sa kasal.

Pero nang kapwa malango sa alak, nagtalo ang mag-asawa at sa gitna ng bangayan ay dinampot ni Juan ang kutsilyo sa mesa at sinaksak ang kanyang misis.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang ginamit na kutsilyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply