Misis kritikal kay mister sa Malabon City

KRITIKAL ang isang misis matapos barilin ng asawa makaraan ang pagtatalo sa Malabon City kahapon, Disyembre 29.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa tiyan si Josabel Mabalda-Nahablit, nasa hustong gulang, ng Damata, Letre ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang asawa ng biktima na si Alejo Nahablit, 60, ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong ala-1 ng hapon, nagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay nang magbunot ng baril ang mister bago pinutukan ang misis.

Kahit sugatan ay nagawang makalabas ng bahay ang biktima at nang makita ng mga kapitbahay ay agad na dinala sa TMC habang nakatakas naman ang suspek.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang pinagtalunan ng mag-asawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply