Misis kritikal sa selosong asawa sa Navotas

KRITIKAL ang isang misis matapos hambalusin at pagsasaksakin ng selosong mister sa Navotas kaninang madaling araw, Disyembre 6.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at mga saksak sa katawan si Melanie Suico, 9, ng X Factor Bldg., sa North Bay Boulevard North, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Ronaldo Suico, 34 ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-5:30 ng madaling-araw, sinundo ng suspek ang biktima sa Phase 1-C, North Bay Boulevard South na galit dahil may pinagseselosan.

Dito na binambo ng suspek ng baseball bat ang ulo ng asawa bago pinagsasaksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa JRMMC ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply