Misis nanlaban sa manyakis, utas; anak sugatan

crime-scene-4

NAMATAY ang isang ginang makaraang pagsasaksakin nang manlaban sa lalaking nagtangkang gumahasa sa kanya sa Barangay Salvacion, Tigaon Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Maria Cano, 37-anyos, residente ng nasabing lugar na namatay noon din bunga ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na nakilalang si Jerry Collantes, 26-anyos, binata at residente ng Barangay Panagan ng nabanggit na bayan.

Masuwerte namang nakaligtas ang 12-amyos na anak ni Cano na nagtamo rin ng saksak sa katawan dahil sa insidente.

Sa imbestigasyon ng Tigaon Municipal Police Station, lumabas umano ang asawa ng biktima para maghanap ng ulam saka naman sumalisi ang suspek at nagtangkang halayin ang biktima subalit nanlaban ito at ang anak nito, kaya inundayan sila ng saksak ng suspek.

Agad na tumakas ang suspek na tinutugis na ngayon ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply