Misis ng napatay na Malaysian terrorist, kinasuhan na

KINASUHAN na ng illegal possession of explosives ang Pinay na asawa ng Malaysian terrorist na napatay ng police snipers nang nagbantang pasabugin ang kanyang dalang improvised explosive device (IED) sa Davao City, 10 araw na ang nakararaan, ayon sa ulat kaninang umaga ng isang opisyal ng pulisya.

Ani Police Senior Superintendent Ronald de la Rosa, isinampa ang reklamo sa prosecutor’s office laban sa suspek na si Anabelle Nieva Lee.

Nabatid na tinulungan nito na dalhin ang isang backpack na may 60mm mortar bomb na tinangkang pasabugin ng kanyang mister na Malaysian national na si, Mohammad Noor Fikrie Bin Abd Kahar, noong Disyembre 14 port city ng Davao.

Dedesisyunan naman ng government prosecutors kung sasampahan pa ng kasong kriminal ang misis ni Firkie.

Napatay si Firkie, 26, bago mapasabog ang bomba malapit sa isang pampublikong parke.

Mananatili namang nakakulong si Lee at patuloy na isasailalim sa interogasyon, pahayag pa ni Dela Rosa.

Natumbok ng army and police agents ang suspect sa Sampaguita Inn sa Davao City matapos ang ilang buwan na pagmamanman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply