Misis sinaksak ng selosong mister, tigbak

crime9

DAHIL sa selos, isang ginang ang sinaksak ng sariling mister sa Cagayan nitong Miyerkules ng hapon.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktima na si Elizabeth Tarampi, 37, isang mangangalakal at residente ng Centro 13, Aparri, sanhi ng isang saksak sa dibdib.

Nadakip naman agad ng pulisya at nakakulong na ngayon sa Aparri PNP ang suspek na si Mario Tugagao, 4-anyos.

Sa panayam, sinabi ni P/Insp Arturo Tan, deputy chief of police ng Aparri PNP, naganap ang insidente dakong 4:30 nitong Miyerkules ng hapon sa mismong karinderya na pag-aari ng biktima.

Ayon kay Tan, basta na lamang sinugod ni Mario ang kanyang misis sa kanilang karinderya at biglang sinaksak ng kitchen knife sa dibdib.

Inihayag ni Tan na sa ngayon, ay ayaw pa ring magsalita ng suspek at tila wala ito sa sarili habang iniimbestigahan.

Nasa pangangalaga naman ngayon ng magulang ng biktima ang tatlong anak ng mag-asawa.

Nabatid na bago ang insidente ay isang linggo nang hiwalay ang mag-asawa dahil na rin sa kanilang araw-araw na pagbabangayan sanhi ng hinala ng suspek na may kalaguyo ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply