Misis tigbak, tserman sugatan sa ambush sa CamSur

crime3

PATAY sa pananambang ang isang ginang habang sugatan naman ang mister nitong barangay captain makaraang ratratin ng may anim na armadong kalalakihan sa Camarines Sur, Lunes ng madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tatlong bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jenny Dumalasa habang nilalapatan ng lunas sa Bicol Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan ang mister nitong si Tserman Rodel.

Hindi naman ibinunyag ng pulisya ang mga pangalan ng mga salarin pero sinabi na magkakamag-anak ang mga pumatay sa misis ni Rodel.

Sa ulat, naganap ang pananambang dakong alas-1:30 ng madaling araw sa national road ng Barangay Calabanga, sa Camarines Sur.

Ayon kay Senior Insp. Ely Compuesto, ng Camarines PNP, bago ang insidente ay pauwi na at lulan sa motorsiklo ang mag-asawa mula sa isang Christmas party ng mga punong barangay sa naturang bayan.

Pagsapit sa lugar, tinambangan ang magasawa ng may anim armadong suspek na magkakamag-anak pa at walang awang pinagbabaril at saka nagsitakas.

Mismong ang naturang punong barangay pa ang nagbuko sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply