Miss USA kinoronahang Miss U 2012; Janine Tugonon first runner-up

janine-tugonon-4

SI MISS USA Olivia Culpo ang itinanghal na pinakamagandang babae sa mundo matapos koronahang Miss Universe 2012 na ginanap sa Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada.

Ginapi ni Culpo ang 88 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Nasungkit naman ni Miss Philippines Janine Tugonon ang first runner up spot habang second runner up si Miss Venezuela Irene Esser at third runner up si Miss Australia Renae Ayris. Fourth runner up naman si Miss Brazil Gabriel Markus.

Sa Question and Answer portion, umani ng masigabong palakpakan ang pambato ng Pilipinas.

Kumpiyansang sinagot ni Janine ang tanong mula sa Twitter ng sikat na fashion photographer na si Nigel Barker.

“As an international ambassador, do you think speaking English is a prerequisite to being Ms. Universe?”

Sumagot naman ang pambato ng Pinas ng: “For me, being Miss Universe is not just about knowing how to speak a specific language. It’s about being able to influence and inspire other people. If you have a heart to serve and a strong mind to show people then you can be Miss Universe.”

Taong 1999, nabingwit ng pambato ng Pilipinas na si Miriam Quiambao ang 1st runner up ng Miss Universe habang noong isang taon (2011) naman ay tinanghal na 3rd runner si Miss Philippines Shamcey Supsup.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply