Miss U 2012 kokoronahan na ngayon

miss-u

ILANG oras na lang at malalaman na natin kung sino ang tatanghaling Miss Universe 2012.

Kokoronahan na maya-maya ang Miss Universe 2012 na ginaganap sa Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada, United States.

Maglalaban-laban ang 89 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Una nang nagsagawa ng preliminary pageat ang Miss U kung saan 15 ang kanilang napili (iaanunsyo mamaya). Ang kukumpleto sa top 16 ay manggagaling sa onlien vote (iaanunsyo mamaya).

Kaugnay nito, matunog ang balitang isa sa malakas na contender si Binibining Pilipinas-Universe 2012 Janine Tugonon.

Kabilang naman sa 10 celebrity finalist judges ay ang singer/songwriter na si Ceelo Green, homerun hitter ng World Series champion San Francisco Giants na si Pablo Sandoval, Iron Chef star Masaharu Morimoto at Miss Universe 2010 Ximena Naverette ng Mexico.

Noong 2011, ang pambato ng Pilipinas na si Shamcey Supsup ay itinaghal na 3rd runner up ng Miss U.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply