Miss Universe 1st runner-up Janine Tugonon, balik-bansa na

janine-tugonon-6

DUMATING na kaninang madaling araw ang dala ng karangalan bilang bagong hirang Miss Universe 1st runner-up na si Janine Tugonon mula sa matagumpay na pagsabak sa prestihiyosong pageant sa Las Vegas, Nevada.

Sinalubong ng kanyang mga fans si Tugonon nang lumapag ito sa Ninoy Aquino Internationl Airport (NAIA) dakong 5:41 ng madaling araw Terminal 2 ang sinasakyang Philippine Airlines filght PRO 107.

Nagpasalamat si Tugonon sa kanyang pamilya, mga taga-suporta lalo na sa mga dumayo pa sa Las Vegas para masaksihan ang kapana-panabik na yugto ng Miss Universe.

Sinabi pa nito na ikinagulat mismo ng Miss Universe organization ang pagdagsa ng Pinoy supporters sa venue.

Ayon pa kay Tugonon, kung ang pagkapanalo ni Miss USA Olivia Culpo ang magbibigay ng kasiyahan sa Amerika kasunod na rin ng mga trahedya tulad ng Hurricane Sandy at Connecticut shooting, mainam na ibigay na lamang ito.

Ayon kay Tugonon naibiga niya ang lahat ng kanyang makakaya upang  Magwagi at maipagmalaki ng mga Pinlipino sa kabuuan ng pageant.

Kasama sa mga sumalubong sa bagong tanghal na Miss Universe titlist ng bansa ang boyfriend nitong si JP Santos at nagtuloy naman sa Gateway suite si Tugonon para sa ilan pang aktibidad ngayong araw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply