Mister ba ng PCSO chair ang ahente ng Foton ambulance?

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

HINDI sana isang malahiganteng gimik ang ginagawa ni Bugallon, Pangasinan Mayor Rodrigo Orduna ukol sa pagtanggap ng P10 million monthly jueteng ni Governor Amado Espino mula sa mga gambling operator.

Okey sana ang expose pero bigla akong nagduda nang kasuhan niya si Governor ng plunder. Ang isinasaad ng plunder law ay series o serye ng paglustay o pagnanakaw sa pera ng gogbyerno na hindi bababa sa P50M.

Kahit anong laki ng pinag-uusapang jueteng protection money, kung hindi ‘yan pera ng gobyerno, walang dahilan para maging plunder ang kaso.

Graft, paglabag sa ethical standard bilang opisyal ng gobyerno at  bribery ang posibleng ikaso ni Mayor kay Gob pero bakit mas ginusto niyang plunder?

Baka ang ginagamit niyang jurisprudence ay ang plunder case ni Erap? Biktima si Erap ng sabwatan kaya kahit jaywalking lang ang naging pagkakasala niya, talagang hahatawin siya ng no bail para hindi makalabas.

Mayor, sana lang hindi kayo nagsasabwatan ni Governor para sa paglilinis sa kanyang pangalan sa bandang huli. Attention Alaminos Mayor Nani Braganza na siyang kalaban ngayon ni Espino sa pagka-gobernador!

***

Kung seryoso si DILG Secretary Mar Roxas na ipalibing nang buhay ang mga sangkot sa pagbibigay ng proteksiyon sa jueteng operation, hindi lang siya dapat tumingin kina Mike Arroyo, former DILG Sec. Ronnie Puno at former Chief PNP Versoza.

Magtatatlong taon na ang Aquino administration at magmula naman nang mapunta sa Palasyo si Noynoy, hindi naman natigil ang jueteng operations kahit isang minuto, lalo na sa Tarlac.

Busisiin din dapat ni Roxas sina General Bartolome, si dating DILG Usec. Rico Puno at si Executive Secretary Jojo Ochoa dahil pangalan nila ang naririnig kahit saang sulok ng
bansa.

***

Ano ang kinalaman ni Popoy Juico sa negosasyon para sa pagbili ng 1,050 units ng substandard na Foton ambulance ng PCSO? Masyadong mahalay tingnan kung totoong gumigitna si Ka Popoy sa transaksiyong ito dahil asawa niya si PCSO Chairperson Margie Juico.

Kahit sabihin nating maganda ang intensiyon ni Ginoong Juico, hindi pa rin magandang tingnang dahil mababahiran ng interes at impluwensiya ang kanyang gagawin dahil sa pagiging esposo ni Chairperson Margie?

Hindi ba’t isang halimbawa ito ng utak-wangwang, mahal na Pangulong Aquino?

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply