Mister ipinakulong ni misis sa Caloocan

SWAK sa kulungan ang isang mister nang ipaaresto ito ng kanyang asawa matapos aliputahin kaninang hating gabi sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 ang suspek na si Sonny Nicol y Olas, 42, walang hanap buhay, ng 282 4rth St., General Luna ng lungsod.

Nagharap ng reklamo sa tanggapan ng Woman & Children Protection Desk (WCPD) ng Caloocan police laban sa kanyang asawa si Emerita Nicol, 42, secretary ng Caloocan  Engineering office at naninirahan sa 282 4th St. Gen Luna, Caloocan.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P01 Marian Buquel ng WCPD, dakong alas 12:00 ng hating gabi ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nag-ugat ang reklamo ng biktima sa kanyang mister matapos hindi na makayanan ng huli ang muling pananakit ng suspek sa dalawa anak nilang babae at pag-alipusta at higit ang pagbabanta na papatayin ang pamilya .

Nauna rito, labing limang taon hiniwalayan ng huli ang kanyang asawa dahil sa paging  iresponsable sa pamilya at ang pagkagumon sa bawal na droga at iba pang bisyo.

Dahil sa pakiusap ng dalawang anak, muling mabuo ang pamilya, pinatawad ng biktima ang kanyang asawa at muli silang nagsama nitong Agosto lamang.

Ngunit nanumbalik ang masamang bisyo ng pananakit, palamura,  pagbabanta ng masama kaya nagpasya ang pamilya na ipagharap ng reklamo na naging daan para arestuhin ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply