Mister, manikyuristang kabit ipinakulong ni misis

crime-fugitive

KALABOSO ang isang lalaki kasama ang manikyurista na kanyang kinahuhumalingan nang ipakulong ng misis ng nauna makaraang habulin siya ng saksak ng babae matapos mahuli ang dalawa na nag-iinuman sa isang eskinita kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Inaresto ng mga barangay tanod sina Jovy Talino, 28, manikyurista at nakatira sa 102 Blk 16 Lot 9 Saint Cecile St., Maricaban at Ronaldo Rullan, 40, makaraang ireklamo ng kanyang misis na si Mila Rullan, 35, ng 102 Saint Bernadette St., Maricaban, matapos hindi man lamang inawat ng lalaki ang kinahuhumalingang babae nang habulin ng saksak ang huli.

Batay sa ulat ni Pasay city police chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca, matagal nang naghihinala ang ginang na may kinalolokohan na namang babae ang asawa hanggang makatanggap ng impormasyon na nasa isang eskinita sa St. Jude St., Maricaban ang dalawa at nag-iinuman dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Pinuntahan ni Rullan ang dalawa subalit sa halip na masindak, bumunot pa ng patalim ang manikuyurista at hinabol ng saksak ang ginang na mabilis na nakatakbo patungo sa barangay hall upang humingi ng tulong.

Matapos namang madakip ng mga barangay tanod ang dalawa, nakumpiska pa kay Ronaldo Rullan ang patalim na hinihinalang ginamit ni Talino nang habulin ng saksak ang ginang.

Kasong grave threat, physical injuries at illegal possession of deadly weapon ang isinampa ng pulisya laban sa dalawa sa Pasay City Prosecutors Office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply