Mister ng aktres na may konek sa pulitika mahilig sa lingam massage

KAIBA ang drama ng mister ng aktres na kilala sa larangan ng pulitika. Barakong-barako ang dating nito, pero kaiba ang kanyang hilig.

Gusto nito ay laging minamasahe ng guwapong masseur. Ayaw niya sa babae dahil naiilang daw siya. Bakit?

Eh, kung pumasok ito sa office sakay ng kanyang magarang sports car ay laging may kasabay na seksing chicks. Tulo-laway nga ang mga barkada sa kanya dahil kuntodo pulupot sa kanya magandang chikas.

Ayon sa source, sa isang condo na malapit sa isang mall sa Kyusi pumupunta ang politician para magpahimas, este, magpamasahe. Talop na talop daw ang lintek habang nilalamas ng machong masahista.

Ang lakas daw ng daing nito. Animo’y nag-oorgasm sa bawat dampi ng mapagpalang-kamay.

At take note, ang paborito nitong masahe ay ang Lingam massage kung saan parang kamasutra ang mga posisyon ng hilutan.

Hitsurang niroromansa siya ng masahista.

Ang labis naming ipinagtataka ay ang ‘finale’ na nirerequest umano ng mabogling mister. Kailangan daanin daw siya sa ‘likod’ ng masseur para lubos siyang ma-satisfy. Hindi man lang daw nasasaktan ang kumag kapag ginagawa na ito sa kanya.

Nakalilito, di ba? May asawa, lalakeng-lalake kuno, pero nagpapatira pala sa ‘behind’! Ang ibig bang sabihin ay ‘front’ lang nito ang kanyang misis at ang pagkababaero kuno niya?

Kaya naman si misis ay napilitang bumalik sa rating trabaho para hindi mabaliw sa kapipirmi sa bahay at paggagansilyo lang ang ginagawa.

Ngayon, dahil hindi na matiis ng aktresa ang paghihirap kahit pa mayaman ang kanyang asawa pero super kuring naman at ‘double blade’ pa, kaya minabuti niyang magtrabaho uli.

Humiwalay ito sa una at tumira sa sa isang apartment. Hiwalay muna ang de-kolor sa puti. ‘Yun ang drama nila. Hehehehe!

***

Atty. Topacio ibang klaseng magmahal sa press people

HINDI namin alam kung saan at paanong nagkahilig sa showbiz si Atty. Ferdinand Topacio. Ang tanging alam namin ay nung tulungan niyang magkaroon ng record album si Bea Binene.

Pero sa kabila ng suportang ibinigay niya rito ay nakuha pang kalabanin siya at nalagay pa sa alanganin ang kanyang kredibilidad bilang de-kampanilyang abogado dahil sa kadaldalan ng nanay ng Kapuso star.

Sinampahan niya ng 5.7 million libel case ang mag-ina at hanggang ngayon ay dinidinig pa ang kaso sa Batangas. Simple lang naman ang hinihingi ng mabait na lawyer, ang mag-apologize sa kanya ang mag-ina at iuurong na niya ang kaso. Pero nagmatigas ang mga ito. Hindi raw sila titiklop sa una. Ngunit nang padalhan ng summon ay hindi pinirmahan.

Anyway, puring-puri ng showbiz writers si Atty. Topacio dahil sa kabaitan nito. Konting kibot, pinatatawag agad ng magaling na abogado ang entertainment writers para lang makipagkuwentuhan, sumaya at tumawa. Magusap-usap habang kumakain. At balita namin ay may ibibigay na maagang pamasko si Atorney sa mga bading. Hehehe!

Anyway, naisip namin, sa tindi ng trabahong ginagawa niya dahil sa paghawak sa malalaking kaso na sangkot ang mayayaman at kilalang tao sa lipunan kaya naisip niyang ang showbiz ang gawin niyang diversion para huminga at mag-relax.

***

Para sa opinyon at reaksyon, magtext sa 09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply