Mister patay, asawa sugatan sa pananaksak

PATAY ang isang mister habang nasugatan ang asawa nang harangin at pagsasaksakin ng tatlong lalaki sa Valenzuela City kaninang madaling araw, Disyembre 30, st., Llano, Caloocan City.

Ginamot naman sa nasabing ospital sanhi ng saksak sa kamay si Luz Gonzaga, 27 ng nasabing lugar.

Nadakip naman ang mga suspek na sina Jeric Cuaresma, 20 ng Punturin; Alvin Manuel, 23; Jon Jon Ignacio, 22 kapwa ng Paso De Blas pawang ng lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, papauwi na ang mga biktima sakay ng tricycle na minamaneho ng nasawi at pagsapit sa General Luis st., Paso De Blas nang harangin ng mga suspek.

Tinangka pang umiwas ng nasawi subalit walang nagawa nang saksakin ni Cuaresma.

Nasugatan naman si Luz makaraan tangkain salagin ang saksak para sa asawa.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek subalit nadakip sa isinagawang follow-up operation habang dinala naman sa VGH ang mag-asawa.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pananaksak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply