Mister patay, ka-live-in sugatan sa riding-in-tandem

crime-scene-chalk-mark

ISA ang patay habang isa pa ang sugatan sa riding-in-tandem sa Agusan del Sur, Linggo ng gabi, ayon sa ulat ngayong Lunes.

Base sa reports na nakarating sa PNP operations center sa Camp Crame kinilala ang namatay na biktima na si Salvador Aduna, Jr., habang sugatan ang live-in partner niya na si Bebang Alejandro.

Sa ulat ng Caraga police, naganap ang pamamaril sa kahabaan ng Brgy. Poblacion, Trento, dakong alas-6:30 ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Trento Police, nabatid na ang mga biktima ay nakasakay sa isang motorsiklo nang ratratin ng dalawang suspek na nakasakay rin sa motorsiklo na kanilang kasunod.

Nagtamo ang mga biktima ng tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan at itinakbo sa Bunawan District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival. Inilipat naman sa Tagum City si Alejandro.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang tatlong empty shells ng .45 pistol.

Patuloy ang imbestigasyon para sa ikadarakip ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply