Mister pinukpok, sinapak ng nairitang kapitbahay

behind-bars-3

KULONG ang isang 23-anyos na lalaki matapos pukpukin ng bato at sapakin ang 50-anyos na kapitbahay sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Mark Anthony, ng Aguinaldo St., Camarin ng lungsod. Putok naman ang ulo ni Danilo Aquino, 50 at kapitbahay ng suspek.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi, kumakanta ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang lapitan ng suspek at sinabing masakit sa tenga ang boses ni Aquino.

Pumalag ang biktima na naging dahilan upang kumuha ng bato ang suspek at ipinukpok sa ulo ng una.

Hindi pa nakutento ang suspek at pinagsasapak pa ang biktima na kahit hilo na ay nagawang makatakbo at magsumbong sa mga pulis.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply