Mister tinodas sa harap ng kanyang mag-ina

crime-scene-chalk-mark

UTAS ang isang mister makaraang barilin nang malipatan ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap mismo ng kanyang mag-ina sa Barangay Catmon, Malabon City, Huwebes ng gabi.

Dead on the spot si Joel Lovadorila, 32, junk bottle collector, ng Samahan Maralita ng Pilapil (SAMPIL) Sitio 6 ng nasabing barangay sanhi ng tinamong tama ng baril sa ulo at sa bunganga na tumagos sa batok nito.

Mabilis na tumakas ang suspek na armado ng M-16 riffle at isang ‘di pa batid na kalibre ng short fire arm.

Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina SP01 Eduardo Triviana at P03 Jerry Dela Torre, ng Stataion Investigation Division (SID) ng Malabon police, dakaong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Sampil ng nasabing barangay.

Nabatid na galing sa pamamasyal sa isang parke sa nasabing barangay ang biktima kasama ang asawa nitong si Analyn Lara na kalong-kalong pa ang kanilang baby.

Sa ulat, sinalubong ng suspek na nakatakip ng T-shirt ang mukha at may saklay na mahabang baril ang biktima.

Lingid sa kalaman ng biktima, siya ang target ng suspek.

Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) ng dalawang empty shell ng M-16 riffle na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang motibo sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply