Mithiing zero smuggling

bong_padua1

ZERO smuggling! Iyan ang mithiin ng liderato ni Comm. Ruffy Biazon, ayon sa sources ng Chokepoint diyan sa Bureau of  Customs.

Tila, mahirap ang misyon na ito,  pero talagang iginiit ng kasalukuyang pamunuan ng BOC na kanilang susugpuin ang kalokohan sa Aduana.

Kung sabagay,  sila’y may pruweba dahil kumpara sa mga nakaraan, ang liderato ni Biazon ang masigasig na nagtatrabaho nang maayos.

Kung bakit nasasabi natin ang ganito. Aba, eh, sinong kumisyuner ang nagtala ng maraming accomplishment kundi ang kasalukuyan lamang.

Sa administrasyon ni Biazon, nasaksihan ang pagkakasakote ng kalahating bilyon na halaga ng smuggled rice na ipalulusot sana sa Subic.

Wala tayong narinig o nalaman na nahuling mga ipinupuslit na sibuyas, karne, pato at maging elephant horn sa mga nakaraang pamunuan.

Pero tayo’y nagitla nang bigla na lamang nakasakote ang BOC agents ng mga ganitong bagay – pero iyan ay nang dumating si Biazon sa BOC.

Ang droga mula sa ibang bansa ay hindi nade-detect sa mga paliparan, pero sa Biazon administration, isa-isa silang nalalaglag.

Sa  rami ng nahuli nang shabu sa NAIA at iba pang ports, naiwasan ang distribusyon nito sa mga user nating mga kababayan.

Baka kung ang mga drogang ito ay ‘di nasakote ng BOC, tiyak napakarami ang mapapraning nito at baka naging dahilan na naman ito ng komisyon ng krimen.

Nakababahala na ang nangyayaring krimen. Habang sinusulat ko ang kolum na ito ay may nabalitaan na naman tayong pinatay na bata.

At ayon sa pulisya, ito’y drug-related crime na naman. Talagang problema ang droga na dapat pagtuunan ng pansin ng lahat.

Sa ulat ng PNP, karamihan sa mga improvised kitchen drug laboratory ay nabuwag, subali’t ramdam pa rin ang pagdami ng drugs sa bansa.

Ang isang tinitingnan ng mga awtoridad, ang droga ay galing sa ibang bansa. Kaya tulungan natin ang BOC para maiwasan ang drug smuggling sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply