Miyembro ng Ativan gang timbog sa social networking

tiklo

NATAPOS na ang maliligayang araw ng isang bading na hinihinalang miyembro ng Ativan gang na nambibiktima ng mga teenager na kinakaibigan sa pamamagitan ng social networking.

Ang suspek na kinilalang si Palermo Binondo alyas “Jeorge”, 43, residente ng No. 53 Filrites Avenue, Remavelle Subdivisio, Las Piñas City ay nasakote  dakong 7:45 kaninang umaga sa harap ng KFC sa Sunset Drive Mall of Asia.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang apat na bote ng Tanduay Ice, 20 piraso ng condom, mga tabletang pampatulog at iba’t ibang uri ng medisina na ginagamit sa kanyang mga binibiktima.

Nabatid sa imbestigasyon, isa sa batang negosyante na kinilalang si Andrew Saluta, 22, binata, ng Barrio Obrero Tondo, Manila ay nahikayat na makipagkaibigan sa isang social networking noong nakaraang Oktubre.

Nahulog umano ang loob ng biktima sa pakikipagkaibigan sa suspek at niyaya itong dumalaw sa unit ng suspek sa Long Wood Hotel sa F.B. Harrison St., Pasay City.

Ayon sa biktima, hindi umano niya alam na may sangkap na droga ang ipinainom sa kanyang Tanduay Ice at ilang minuto ang nakaraan, nawalan siya ng malay at natangay na ng suspek ang kanyang laptop, mga salapi at mahahalagang kagamitan.

Biglang naglaho ang suspek at nang magpalit umano ng pangalan ang biktima sa online muling lumitaw ang pangalan ng suspek at muli siyang bibiktimahin kaya ipinagbigay alam ni Andrew sa pulis ang naganap na insidente.

Ang suspek ay nasakote nina SPO1 Charlie Asuncion, PO3 Enrico Desalisa, PO3AntonioBakaois, PO2 Edgard Angel at PO2 John Vernal Baraza habang nakasakay ng taxi patungong hotel.

Dahil dito, inabisuhan na ng awtoridad ang mga gumagamit ng social neworking na mag-ingat sa mga taong may maitim na hangarin na bumibiktima sa pamamagitan ng online.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply