Miyembro ng Sputnik Gang, itinumba

crime6

ATRASO ang tinitingnang anggulo ng Manila Police District sa pagkamatay ng isang 38 anyos na miyembro ng Sputnik Gang matapos barilin sa loob ng kanilang kuwarto sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Michael Flores, 38, residente ng 1538 B Int.4, Antonio Isip St., Paco, Maynila.

Nakatakas naman ang suspek na si Richard Burgos, alyas Richard Pilay, ng 1538 C Int.4 ng nasabi ding lugar.

Sa report ni PO3 Alonzo Layugan, pasado alas 5 kahapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima.

Sa pahayag ng live-in partner ng biktima, nagpapahinga sila ng biktima sa kanilang kuwarto nang maisipan niyang magpunta sa confort room nang bigla na lamang itong nakarinig ng putok ng baril.

Nang bumalik ito sa kanilang kuwarto ay nakita na lamang niyang duguang nakabulagta ang kanyang asawa na binaril ng suspek na umanoy kapitkuwarto nito.

Tumakas naman ang suspek nang maisagawa ang kanyang pakay sakay ng kulay gray Mitsubishi lancer na may plakang SEW-445.

Inaalam naman ng pulisya ang tunay na dahilan ng insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply