MMDA metro aides pinasaya ng PAGCOR

pagcor

NAGTULONG-TULONG ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbibigay ng magarbong Christmas party ang higit sa isanlibong metro aides sa ika-15 araw ng “Bayanihan: Pamaskong Handog ng PAGCOR 2012” kahapon.

Napuno ng saya ang MMDA parking area sa Guadalupe, Makati City nang pangunahan ng  PAGCOR ang kasiyahan para sa streetsweepers ng MMDA.  Bukod sa naunang 700 na ipinamahaging gift packs na pang-noche buena ay nagdagdag pa ang PAGCOR ng 500 para sa mga dumagsang streetsweepers.

Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, ang nasabing pagsasalo ay kanila na ring pasasalamat sa mga tinagurian niyang “heroes of the streets.”

“It’s but proper that we give them a truly merry celebration this Yuletide season given the effort that they exert every day to maintain the cleanliness of our streets. We’re very thankful that PAGCOR, under the leadersip of chairman Cristino Naguiat, Jr., helped us carry out a memorable and fun-filled event for our metro aides,” ani Tolentino.

Kasamang namahagi ng aginaldo ni Tolentino sina Deputy MMDA Chairman Alex Ramon Cabanilla, General Manager Corazon Jimenez, Assistant General Manager for Finance and Administration Edenison Faisan at Assistant General Managers for Operations Emerson Santos.

Nabatid na talagang naglaan ng P800,000 ang PAGCOR para lamang sa MMDA gift-giving party.
Nauna nang nagbigay ng magarbong party ang PAGCOR sa 1,955 street sweepers sa Pasay, Parañaque at Manila nitong Disyembre 10, 2012.

Ani PAGCOR Chairman at CEO Cristino Naguiat, Jr, ang nasabing Christmas parties ay kanilang paraan na rin ng pagpapasalamat sa mga kababayan na talagang seryoso sa kanilang trabaho.

“Malapit sa puso ng PAGCOR ang ating mga masipag at marangal na mga streetsweepers. Sa pamamagitan ng aming gift-giving project ay hindi lamang po namin sila biibigyan ng maagang Pamasko. Sila rin po ay aming pinararangalan at pinasasalamatan sa kanilang malaking tulong upang patuloy na linisin at pagandahin ang ating mga komunidad at ang ating kapaligiran,” aniya pa.

Dagdag pa ni Naguiat na sinimulan nila ang “Pamaskong Handog” project noong Disyembre 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply