MMDA nagbabala sa trapik sa MMFF parade

bus-problem

PINAALALAHAN ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority MMDA nagbabala sa trapik sa MMFF parade.

PINAALALAHAN ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista kaugnay sa pinaiiral na traffic scheme, kaugnay sa gaganaping parada para sa inaabangang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, na magiging kakaiba ang sistema ng parada ngayong taon dahil “pabalik” umano ang ruta na dadaanan ng mga kalahok na floats.

Magsisimula ang parade bandang alas-2:00 ng hapon mamaya sa Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila hanggang sa Mall of Asia (MOA) sa Parañaque City.

Sinabi pa ng opisyal na asahan umano ang may 50 mga naggagandahang floats na kasali sa naturang programa.

Kabilang sa maaapektuhang lansangan dahil sa parada ay ang T.M. Kalaw at Roxas Blvd., Buendia Avenue, Macapagal Avenue, Seaside Blvd., Jose Diokno Blvd. at Harbor Drive sa MOA.

Para sa mga motorista naman na patungong southbound, mula sa T.M. Kalaw, ay maaaring mag-left- turn ang mga ito sa A. Mabini at diretso ng F. B Harrison, bago kakanan ng EDSA at kaliwa ng Roxas Blvd.

Para naman sa northbound, mula EDSA, maaaring kumaliwa ang mga ito ng Taft Avenue at diretso na ng kanto ng T.M. Kalaw.

Sa Disyembre 27 naman gagawin ang awarding ceremony para sa mga itatanghal na mananalo sa taunang film festival.

Ang MMDA ang siyang organizer ng Metro Manila Film Festival at kabilang sa mga kalahok ngayong taon ay ang walong pelikula na kinabibilangan ng “El Presidente” na ang bida ay sina Nora Aunor, E.R. Ejercito, Cristine Reyes at Cesar Montano; “One More Try” nina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, at Zanjoe Marudo;
“Shake, Rattle & Roll 14” sa pangunguna nina Vhong Navarro, Lovi Poe, Dennis Trillo, Paulo Avelino, Janice de Belen at Herbert Bautista; “Si Agimat, Si Enteng at Si Ako” nina Vic Sotto, Bong Revilla, Jr. at Judy Ann Santos; “Sisterakas” na kasama sina Kris Aquino, Ai-Ai de las Alas, Vice Ganda, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; “Sosy Problems” na nasa starring roles sina Heart Evangelista, Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Bianca King, Benjamin Alves, Mikael Daez at Aljur Abrenica; “The Strangers” na kasama naman sina Julia Montes, Enrique Gil, JM De Guzman at Enchong Dee, at ang pelikulang “Thy Womb” nina Nora Aunor, Bembol Roco, Lovi Poe at Mercedes Cabral.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply