MMDA portable rotonda

ITO ang bagong naisip na solusyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga aksidente sa kalsada.

Simula noong Huwebes ay naglagay ang MMDA ng mga portable rotonda sa mga major interesction sa kalakhang Maynila.

Ang portable rotonda na yari sa kahoy ay may sukat na 5 metro ang diyametro at pinalilibutan ng mga halaman. Ang unang portable rotonda ay inilagay sa EDSA-Ayala Avenue intersection. Ang iba pang lugar na lalagyan nito ay ang NAIA area, Roxas Boulevard, at sa Nagtahan area sa Maynila.

Sabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na base sa isang pag-aaral sa Estados Unidos, ang pagkakaroon ng rotonda kumpara sa mga stoplight at mga traffic sign ay nakapagpababa ng aksidente sa halos 80 porsiyento. Mas ligtas rin ito para sa mga naglalakad o mga commuter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply