Mock elections, ilulunsad ng Comelec sa Enero

MAGSASAGAWA ng mock elections ang Commission on Elections (Comelec) sa Enero, 2013 kaugnay ng nalalapit na May 13 midterm elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, posible isagawa ang mock polls sa ilang piling lugar sa bansa.

Alinsunod, aniya, sa Republic Act 9369 o Automated election law, nakasaad na kinakailangang magsagawa ng testing at mock polls bago ang mismong araw ng halalan.

Ipinaliwanag ni Sarmiento na layunin ng mock eletions na makita agad ang mga posibleng magiging kakulangan o kapalpakan sa gagawing eleksyon at kung paano ito sosolusyunan.

Inihalimbawa ni Sarmiento ang mahinang signal na malaking problema pagdating sa transmission ng resulta ng halalan sa mismong araw ng eleksyon.

Sa ngayon ay isasapinal pa muna ng Comelec en banc kung saan-saan, ilang botante at eksaktong petsa ng mock poll.

Gayunman, malamang aniya na kasama rito ang mga lalawigan ng Maguindanao, Naga, at Camarines Sur.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply