Modified truck ban’ ng MMDA, epektibo na

NAGPALABAS ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga truck operator at drivers na epektibo na ngayong araw ang modified truck ban para sa holiday season at tatagal ito hanggang sa Enero 6, 2013.

Sa ilalim ng modified truck ban, pahahabain ang truck ban at gagawin itong mula ala sais hanggang alas-10:00 ng umaga at mula ala-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi, maliban nalang tuwing Linggo at holiday.

Ayon sa MMDA, bukod dito ay bawal naman dumaan sa EDSA ang mga truck na may bigat na 4, 500 kilogram o mas mabigat pa.

Hindi naman sakop ng total ban ang mga trak na mas magaan sa 4, 500 kilograms at ang mga trak na may dalang mga produktong agrikultural at iba pang perishable products.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply