Money transfer office sa Cavite nilooban, 1 todas

PATAY sa pagresponde ang isang security guard nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na nangholdap sa isang money-transfer office sa Imus Cavite province.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre 45 at 38 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang guwardya ng katapat na establisimento ng hinoldap na Western Union Office.

Sa ikinasang police dragnet operation, nahuli ang isa sa mga suspect pero pansamantalang hindi muna ibinunyag ang pangalan alinsunod sa gagawing pagtugis sa iba pang kasamahan nito. Isinasailalim na ito ngayon sa interogasyon.

Ayon kay Cavite police Superintendent Red Maranan, naganap ang insidente dakong 1:30 ng hapon sa Western Union office sa Barangay Bucandala.

Bago ito, pumasok ang dalawa sa mga suspect at nagpanggap na mga customer habang ang isa naman ay nagsilbing lookout.

Nang makapuwesto, nagdeklara ng holdap ang mga suspect at kinuha ang hindi pa mabilang na halaga ng pera sa kaha.

Rumesponde naman sa scenario ang naturang guwardiya na nasa estalisimentong nasa tapat ng Wetern Union Office pero binaril ng suspect na nagsilbing lookout.

Matapos makulimbat ang hindi malamang halaga at saka naglakasd na parang walang nangyari ang mga suspect.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply