Monitoring ng firecracker-related injuries simula na bukas

dr-eric-tayag

SISIMULAN na bukas (Disyembre 21) ng Department of Health (DOH) ang monitoring sa mga firecracker-related incident kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.

Pinayuhan ni Health Assistant Secretary, Dr. Eric Tayag ang publiko na sa halip na magpaputok ay mag-street party na lang sa pagdiriwang ng Pasko at New Year.

Ayon kay Tayag, director din ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), mas makabubuti na mag-street party na lang at magsayaw ng “Gangnam Style” sa halip na magpaputok.

Nauna rito, inilunsad ng DOH ang Gangnam Style Pasko Dance para hikayatin ang mga mamamayan, lalo na ang mga bata, na umiwas sa paggamit ng paputok upang hindi madisgrasya ngayong Christmas at New Year celebration.

Aniya, kung ayaw naman umanong magsayaw ay maaari namang gumamit na lang ng torotot o ibang mga alternatibong bagay upang makapag-ingay tulad ng mga takip ng kaldero at iba pa.

Muli ring binuhay ng DOH ang Oplan “APIR” o “Aksyon: Paputok Injury Reduction” upang mapababa ang bilang ng mga tinatamaan ng paputok tuwing ganitong okasyon.

Nakapokus ang kampanya sa mga bata na nasa edad na anim hanggang 10 taong gulang dahil batay sa statistics noong 2011, nakapagtala ng 274 na batang biktima ng paputok.

Nakaugalian na ng mga Pinoy na mag-ingay sa pagsalubong ng Bagong Taon sa paniniwalang magtataboy ito ng malas at magiging masuwerte ang papasok na taon sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply