Most wanted ng Tondo naaresto

MPD-HeadQ

ARESTADO ang isang murderer at kabilang sa hilera ng most wanted person sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ismael dela Cruz ang suspek na si Alvin Pinlac, 28, ng 1481-C Franco St., Tondo, ng lungsod.

Si Pinlac na tatlong taong nagtago sa batas ay kasalukuyan nang nakakulong sa Manila Police District-Homicide Section.

Ayon kay SPO2 Ronald Gallo, imbestigador, si Pinlac ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Silverio Pampilo ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 26 habang nakikipag-inuman kagabi dakong alas-10:50 sa may Franco kanto ng Coral St., Tondo, Maynila.

Sa rekord ng korte, napatay ni Pinlac si Vincent Quebral, noong Enero 1, 2009.

Binaril ni Pinlac si Quebral at nang nakahandusay na sa semento ang biktima ay pinukpok pa ito ng bote sa ulo at pinagsasaksak ng basag na bote sa iba’t ibang parte ng katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply