Motor vessel na sumadsad sa Bohol, mga pasahero nailigtas ng PCG

NASAGIP ng pinagsanib puwersa ng Philippine Coast Guard Maasin Station at Coast Guard detachment sa Hilongos, Leyte ang 275 pasahero at 17 tripulante ng isang motor vessel na sumasad sa pagitan ng bisinidad ng Cataban Island at Nocnocan Island sa Bohol.

Batay sa ulat, patungo na ng Hilongos, Leyte ang MV Gloria G-1 na pinamumunuan ng kapitan ng barko na si Manuel Gabisan nang maganap ang insidente bandang alas-5:20 ng madaling araw.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operations ang Coast Guard Station (CGS) Tagbilaran at ipinadala ang MV Gloria 2, sister ship ng MV Gloria G-1 para tumulong sa pagsagip sa mga pasahero.

Matagumpay namang nasagip ang mga pasahero at kaagad silang binigyan ng maiinom at makakain nang dumaong ang barko sa Coast Guard detachment sa Hilongos, Leyte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply